DepEd ‘laptop controversy’ hiniling na maimbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee

By Jan Escosio August 11, 2022 - 12:36 PM

Naghain ng resolusyon si Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III para maimbestigahan sa Senado ang kontrobersiya sa pagbili ng P2.4 bilyong halaga ng laptop para sa mga guro.

Nakasaad sa resolusyon ang hiling ni Pimentel na ang Senate Blue Ribbon Committee ng manguna sa imbestigasyon kaugnay sa ‘overpriced and outdated laptops.’

Ang mga kontrobersyal na laptops ay binili ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (DBM).

Paliwanag ni Pimentel layon ng kanyang resolusyon na matukoy ang mga responsibilidad at malaman kung kailangan na may baguhin sa procurement laws at sa proseso ng pagbili ng mga kailangan ng mga ahensiya ng gobyerno.

Nabili ang laptops ng P58,300 base sa 2021 audit report ng Department of Education kayat nabawasan ang bilang ng mga guro na nabigyan para sana sa pagkasa ng ‘blended learning system.’

TAGS: Blue Ribbon Commitee, DBM, deped, laptops, Blue Ribbon Commitee, DBM, deped, laptops

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.