Mga senador nakikiramay sa pagpanaw ni Lydia de Vega

By Jan Escosio August 11, 2022 - 11:55 AM

Nagpahayag na ang ilang senador ng pakikiisa sa pagdalamhati ng bansa ukol sa pagpanaw ni Filipino athletics legend Lydia de Vega.

“Hindi natin malilimutan ang karangalang ibinigay niya sa ating mga Pilipino mula noong dekada 1980s. Dahil sa kanya, naging kahanga-hanga ang Pilipinas sa ating karatig bansa. Pero higit pa rito, atin siyang dapat pasalamatan sa inspirasyong ibinigay niya sa atin, hindi lamang bilang atleta at bilang Pilipino,” sabi ni Sen. Robin Padilla.

Ayon naman kay Sen. Lito Lapid habambuhay at bahagi na ng kasaysayan ng bansa ang mga karangalan ibinigay ni dela Vega.

“Gusto ko ring ipaabot ang pasasalamat at pagkilala sa atletang nagbigay ng napakaraming karangalan sa ating bansa. Nakakalungkot na ginupo ng sakit si Lydia pero kahit kailan, hindi mabubura ang iniwan nyang alaala ng galing at husay ng pagiging isang atleta Pilipino,” ayon pa kay Lapid.

Sinabi naman ni Sen. Sherwin Gatchalian dahil sa mga tagumpay ni dela Vega ay napamahal na ito ng husto sa sambayanan, bukod sa kinilala sa mundo ng pandaigdigang-palakasan.

“It is my hope that Filipinos, especially our young athletes, continue to find inspiration in her life, legacy and example to show the best of what our kababayans could be in the world stage,” dagdag pa ni Gatchalian.

Ito rin ang paniniwala ni Senate Majorityb Leader Joel Villanueva sa kanyang kababayan sa Bulakan.

“Naging inspirasyon po natin siya bilang isang atleta na nabigyan ng pagkakataon na ma-represent ng dalawang beses ang Pilipinas sa international competition sa larangan ng basketball,” aniya.

Ibinahagi pa ni Villanueva na tulad ni dela Vega, naging Olympian din ang kanyang lolo na si Joaquin Villanueva, na isa din sprinter.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.