Duterte camp, dumepensa sa media killing comment

By Kathleen Betina Aenlle June 02, 2016 - 04:34 AM

 

Inquirer file photo

Ipinagtanggol ni incoming presidential spokesperson Salvador “Sal” Panelo ang mga naging pahayag ni President-elect Rodrigo Duterte kaugnay sa media killings.

Giit ni Panelo, hindi lang naintindihan ang pahayag ni Duterte at na hindi iyon ang nais ipahiwatig ng incoming president.

Paliwanag ni Panelo, ang ibig sabihin ni Duterte sa kaniyang pahayag ay kapag pinatay ang isang journalist, hindi siya pinapatay bilang journalist kundi bilang isang taong may ginawang mali sa kapwa niya.

Aniya pa, sa ganitong sitwasyon, walang sinuman ang hindi magiging bukas sa paghihiganti ng nagawan ng pagkakamali at bagaman labag ito sa batas, ito ang dahilan kaya sila pinapatay.

“In other words, regardless of whether you’re a lawyer, journalist, public official, if you committed a grievous wrong to another person, then that person with a blood debt will have to pay for it. That’s against the law, but that is the reason, the rationale for the killing,” ani Panelo.

Pinabulaanan naman ni Panelo ang mga inilalabas ng itnernational media at iginiit na kailanman ay hindi kinukunsinte ni Duterte ang pagpatay sa mga kawani ng media.

Aniya pa, ang binabangga lamang ni Duterte ay ang kriminalidad, mga drug lords at anupamang iligal dito sa bansa at ito ang dahilan kung bakit siya hinalal ng mga tao.

Samantala, iginiit naman ni Panelo na base sa personal niyang karanasan ang naging pahayag ni Duterte kaugnay sa pagkamatay ng mamamahayag sa Davao City na si Jun Pala.

Una na kasing sinabi ni Duterte na “deserved” o nararapat lang kay Pala ang naging kapalaran niya, sabay mura sa pumanaw na mamamahayag.

Si Pala ay isang journalist, pulitiko at kritiko ni Duterte na binaril ng mga hindi pa nakikilalang suspek noong 2003.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.