Parañaque City Mayor Eric Olivarez, itinuro ang MMDA sa suspensyon ng NCAP

By Chona Yu August 11, 2022 - 10:55 AM

Sinabi ni Parañaque City Mayor Eric Olivarez na susunod na lamang siya kung ano ang magiging posisyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa hirit na pagsuspindi sa No Contact Apprehension Policy (NCAP).

Gayunpaman, sinabi ni Olivarez na sa kanyang palagay ay epektibo ang naturang polisiya dahil naging disiplinado at sumusunod sa batas-trapiko ang mga motorista.

Bukod dito ay nabawasan din ang pangongotong ng mg awtoridad sa kalsada.

Dagdag pa ng alkalde, naiiwasan rin ang mga aksidente dahil nagiging maingat sa pagmamaneho ang mga motorista.

Una nang nanawagan ang Land Transportation Office (LTO) na pansamantalang suspindihin ang pagkasa ng NCAP dahil sa mga reklamo ng public transport at cargo operators.

TAGS: mmda, no contact policy, Paranaque, mmda, no contact policy, Paranaque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.