Mas mabigat na parusa sa vote-buying suportado ng Comelec chief

Pabor si Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia sa panukalang-batas na ideklarang karumaldumal na krimen ang vote buying.

Ito ang sinabi ni Comelec spokesman, Atty. Rex Laudiangco kaugnay sa inihaing House Bill No. 1709 ni Paranaque Rep. Anthony Golez Jr.

Nakapaloob sa panukala na makulong ng 20 hanggang 40 taon ang mapapatunayan sa korte na sangkot sa pagbili ng boto.

Sa ngayon, hanggang anim na taon na pagkakakulong lamang ang parusa bukod sa diskuwalipikasyon na maupo sa anuman pampublikong tanggapan.

Kasabay nito, hiniling ng komisyon na marebisa ang kahulugan ng vote-buying at vote-selling para sa mas epektibong prosekusyon.

Read more...