P43.5M halaga ng ibat-ibang droga kumpiskado sa live-in partner sa QC
Naaresto ang isang live-in partner sa pagbebenta ng droga sa isang pulis sa Barangay San Roque, Quezon City base sa impormasyon mula sa isang confidential informant.
Sinabi ni Quezon City Police District director, Brig. Gen. Remus Medina nakumpiska ng mga tauhan ng Cubao Police Station ang 1.5 kilos ng shabu, 85 kilo ng marijuana, 35 kilo ng kush, 1 kilo ng cocaine at 7,594 piraso ng ecstasy na may kabuuang halaga na P43.5 milyon.
Kinilala naman nito ang mga nahuli na sina Riza Bilbao, 25 at Alvin Rapinian, 26.
Isinumbong ng isang impormante ang pagbebenta ng mga droga ng dalawang suspek kayat nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit.
Mahaharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act sina Bilbao at Rapinian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.