Panukalang mag-angkat ang bansa ng 300,000 metrikong tonelada ng asukal, ibinasura
Ibinasura ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang panukala ng Sugar Regulatory Administration na mag-angkat ang bansa ng 300,000 metrikong tonelada ng asukal.
Ayon kay Press Secretary Beatrix “Trixie” Cruz-Angeles, walang katotohanan ang kumakalat na balita na inaprubahan ng Pangulo ang pag-aangkat ng asukal.
Sinabi pa ni Angeles na hindi lagda ni Pangulong Marcos ang nakalagay sa importation paper.
“The President rejected the proposal to import an additional 300,000 metric tons of sugar. He is the chairman of the Sugar Regulatory Board and denied this in no uncertain terms,” pahayag ni Angeles.
Una rito, sinabi ng SRA na mag-aangkat ang bansa ng asukal para maagapan ang kakapusan ng suplay nito at ang patuloy na pagtaas ng presyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.