Graduation activities, exit process para sa mga benepisyaryo na kabilang sa ‘Listahanan 3,’ pinamamadali ni Tulfo

By Chona Yu August 10, 2022 - 04:22 PM

DSWD photo

Pinabibilisan ni Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program National Program Management Office (NPMO) ang graduation activities at exit process para sa bagong non-poor list ng Listahanan 3 (L3).

Ayon kay Tulfo, ang Listahan 3 ay gagamitin sa proseso ng delisting ng 4Ps household-beneficiaries na nakaangat na sa buhay.

Sinabi pa ni Tulfo na ang mga household na pasok sa Listaahan 3 ay ikukunsiderang household-beneficiaries ng 4Ps.

Bukod sa pagiging mahirap, maaring makapasok rin sa Listahan 3 ang mga pamilya na mag-asawa na may anak na 18-anyos pababa o may buntis sa pamilya.

“Dapat siguraduhin natin na ang ilalagay sa 4Ps ay talagang karapat-dapat na maging benepisyaryo ng 4Ps, prioritizing the solo parents, farmers, fisher folks, persons with disabilities,” pahayag ni Tulfo.

Inatasan din ni Tulfo ang 4Ps NPMO na siguraduhing lahat ng municipal and city links will ay magsusumite ng case folders ng kanilang assigned household.

Dapat ding alamin aniya ang living conditions ng mga benepisyaryo.

TAGS: 4Ps, dswd, Erwin Tulfo, InquirerNews, RadyoInquirerNews, 4Ps, dswd, Erwin Tulfo, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.