P1.5-M pondo para sa ibibigay na ayuda sa ‘Odette victims,’ nailabas na
Nai-release na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P1,580,123,000.00 na pondo para ipang-ayuda saa mga biktima ng Bagyong Odette.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, makatatanggap ng P10,000 emergency shelter assistance ang 153,410 household na naaapektuhan ng bagyo.
Kabilang sa mga makatatanggap ng ayuda ang mga residente na “totally damaged” ang bahay sa Regions VI, VIII, X and XIII.
“Bawat isa sa atin ay itinuturing ang tahanan bilang isang safe haven o ligtas na lugar. Ang pagkakaroon ng isang maayos na tahanan ay dalangin ng bawat Pilipino. Kaya kaisa po ang DBM sa pagtulong na masigurong bawat tahanang nasira ng bagyong Odette ay maiayos upang komportableng masilungan ng ating mga kababayan kasama ang kanilang pamilya at mga mahal sa buhay,” ayon kay Pangandandaman.
“Bagaman tumama ang bagyong Odette noong nakaraang taon, hindi po nakalimutan ng inyong pamahalaan ang mga nasalanta. Patuloy ang pagbibigay natin ng tulong sa mga nangangailangan para sa kanilang pagbangon muli,” pahayag ni Pangandaman.
Tumama ang Bagyong Odette noong Disyembre 2021.
Nabatid na humiling ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P1.5 bilyong pondo noong August 2, 2022 at natanggap ng DBM noong August 3, 2022.
Nai-release ang SARO noong August 8, 2022.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.