Hiningi ni Senator JV Ejercito ang suporta ng mga kapwa senador upang mapalakas ang sa ‘railway system’ ng bansa.
Sa kanyang privilege speech idiniin ni Ejercito ang epekto ng kakulangan sa ‘mass transport system’ sa bansa lalo na sa pang-araw-araw na pag-biyahe ng mga commuters maging sa ekonomiya ng bansa.
Binanggit nito ang ulat ng Japan International Cooperation Agency o JICA kung saan naitala na P3.5 billion kada araw ang nawawala sa bansa dahil sa matinding traffic at kawalan ng maayos na pampublikong transportasyon.
Umapila si Ejercito ng tulong para sa administrasyong-Marcos Jr. na madagdagan pa ang 161 kilometrong railway sa bansa at silipin ang estado ng mga proyektong pang-riles.
Kayat hiningi niya ang suporta sa kanyang Senate Bill 158, Senate Resolution 64, at Senate Bill 165, ang lahat may kaugnayan sa railway system sa bansa.