‘Build, Build, Build’ program para sa health facilities gusto ni Sen. Bong Revilla

By Jan Escosio August 10, 2022 - 01:05 PM

DPWH PHOTO

Isinusulong ni Senator Ramon Bong Revilla ang ‘Build, Build, Build’ program upang makapagpatayo pa ng maraming health facilities sa bansa.

Sa Senate Bill No. 26 o ang “Kaayusan sa Adhikaing Pagamutan Act” na inihain ni Revilla ay katulad sa Build, Build, Build na nakasentro sa pagpapabilis ng implementasyon ng Philippine Health Facility Development Plan.

Layunin dito na matugunan ang kakulangan sa health care facilities sa bansa tulad ng mga ospital, polyclinics, referral laboratories, birthing centers, at iba pang pasilidad pangkalusugan.

Katuwiran ni Revilla kailangan ang mas maraming health facilities upang maihanda ang bansa sakaling magkaroon muli ng panibagong bugso ng mga sakit lalo pa’t nasa panahon pa rin tayo ng pandemya.

TAGS: Bild, Health, Bild, Health

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.