MMDA tiniyak ang pakikipag-tulungan sa pag-iimbestiga sa no contact apprehension policy

Kinikilala at iginagalang ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang awtonomiya ng mga lokal na pamahalaan sa pagbalangkas at pagpapatupad ng sariling regulasyong pang-trapiko.

Ginawa ng MMDA ang pahayag kaugnay sa panawagan ng Land Transportation Office (LTO) sa mga lokal na pamahalaan na suspindehin muna pansamantala ang pagpapatupad ng kanilang no contact apprehension policy (NCAP).

Suportado rin ng MMDA ang panawagan na maimbestigahan sa Kongreso ang NCAP, na ipinatupad simula noong 2016.

Nangako rin ang ahensiya ng kooperasyon para sa mas maayos at epektibong pagkasa ng naturang polisiya.

Ang panawagan naman ng LTO ay base sa mga reklamo ng transport groups at PUV operators ukol sa NCAP.

Read more...