DOJ: Drug cases ni ex-Sen. Leila de Lima bahala na ang korte
Itinuro na ng Department of Justice (DOJ) ang korte sa pagdedesisyon sa drug cases ni dating Senator Leila de Lima.
Sinabi ito ni Atty. Mico Clavano, mula sa tanggapan ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, matapos ibasura ng Office of the Ombudsman ang bribery case ni de Lima dahil hindi nagkakatugma ang pahayag ng mga nang-aakusa at testigo.
“DOJ’s statement remains the same. We will leave it to the sound discretion of the Muntinlupa court to decide on the case. We have already presented our evidence. It is former Senator de Lima’s turn to present hers,” ani Clavano.
Sa naging desisyon ng Ombudsman, pinuna ang magkaka-ibang pahayag ni suspected drug lord Kerwin Espinosa at Manuel Adorco, isang preso, ukol sa pagbibigay nila ng P8 milyon kay de Lima.
Nagbunga ito nang pagbasura ng bribery case laban kay de Lima at kanyang dating bodyguard na si Ronnie Dayan.
Sa Senado, naghain ng resolusyon sina Minority Sens. Koko Pimentel at Risa Hontiveros para makalaya na ng kulungan si de Lima.
Bago pa ito, ilang testigo na iniharap laban kay de Lima ang binawi na ang kanilang mga testimoniya sa katuwiran na tinakot lamang sila para idiiin ang dating senadora.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.