Mga dokumento, paspasan ang pag-iisyu sa 1st time job seekers – Sen. Grace Poe

By Jan Escosio August 10, 2022 - 10:37 AM

GRACE POE FACEBOOK PHOTO

Hiniritan ni Senator Grace Poe ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na bilisan ang pagpapalabas ng mga dokumentong kinakailangan sa aplikasyon sa trabaho.

Paalala ng senadora na nakasaad sa isinulong niyang Republic Act 11261 o ang First Time Jobseekeers Assistance Act, hindi din dapat maningil ng anumang bayad ang mga ahensiya para sa mga dokumento.

“Dapat nating ibigay ang lahat ng suporta sa bawat Filipinong naghahanap ng trabaho sa unang pagkakataon,” aniya.

Kabilang sa mga dokumento na kadalasan kailangan ng mga naghahanap ng trabaho ay NBI, police at barangay clearances, birth certificates, Tax Identification Number (TIN), Unified Multi-Purpose ID, at transcript of records mula sa paaralan.

“Hindi natin dapat palampasin ang pagkakataong tulungan silang magsimula ng karera at iangat ang buhay ng kanilang pamilya,” banggit ni Poe sa kanyang talumpati sa ika-78 Commencement Exercises ng University of Batangas sa Batangas City.

TAGS: grace poe, jobseekers, grace poe, jobseekers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.