2,618 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa bansa

Tumataas pa rin ang naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Base sa COVID-19 tracker ng Department of Health (DOH) hanggang Agosto 9, may 2,618 na bagong kaso ng nakahahawang sakit sa bansa.

Dahil dito, nasa 36,666 ang mga pasyenteng patuloy na nagpapagaling.

Umakyat naman sa 3,810,772 ang kabuuang bilang ng napaulat na COVID-19 case sa bansa.

Sa nasabing bilang, 3,713,242 katao ang gumaling na sa naturang sakit, habang 60,864 naman ang pumanaw.

Patuloy pa ring hinihikayat ang publiko na magpabakuna at sundin ang health protocols upang makaiwas sa COVID-19.

Read more...