100 porsyentong dagdag sa pensyon ng mahihirap na senior citizens, imposible sa taong 2022 – DOF
Imposibleng maibigay ng gobyerno ang dagdag sa buwanang pensyon ng mga mahihirap na senior citizens sa bansa.
Ito ang sinabi ni Finance Sec. Benjamin Diokno at aniya, aabot sa P50 bilyon ang kakailanganin para maisakatuparan ang bagong batas.
Base sa Republic Act 11916, magiging P1,000 na ang buwanang pensyon mula sa kasalukuyang P500.
Dagdag ni Diokno, hindi kasama sa pambansang pondo sa taong 2022 ang kinakailangang halaga.
Sinegundahan din nito ang pahayag ng ilang senador na kailangan ding matukoy muna kung saan huhugutin ang pondo.
Kailangan din aniyang malinis muna ang listahan din ng mga benipesaryo, na sa ngayon ay may bilang na halos apat na milyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.