Habambuhay sa mga killers ng may-ari ng Uratex at bodyguard nito

By Kathleen Betina Aenlle June 02, 2016 - 04:18 AM

 

jail-stock (1)Hinatulan ng habambuhay na pagkakulong ang dalawang akusado sa pagdukot at pagpatay sa may-ari ng foam bed manufacturer na Uratex Philippines, pati na sa bodyguard nito na isang pulis noong 2001.

Halos 15 taon ang nakalipas, inanunsyo ni Justice Acting Secretary Emmanuel Caparas na nahatulan na ng Quezon City Regional Trial Court ang mga akusadong sina Rolando Villaver at Florante Concepcion dahil sa mga kasong kidnapping for ransom, double murder, attempted murder at carnapping.

Noong October 1, 2001, binabaybay ng sasakyan nina Connie Wong na manager at kapatid ng may-ari ng Uratex, bodyguard niyang si PO1 Dionisio Burca Jr. at driver nitong si Arcangel Barquilla Jr. ang Bgy. Manresa sa Quezon City nang harangin sila ng isang van.

Bumaba ang pitong armadong kalalakihan at dinala sila sa hideout ng mga suspek sa loob ng tatlong araw.

Hiningan ng mga suspek ang asawa ni Wong na si Manuel ng ransom na P50 million.

Nang sabihin ni Manuel ang mga suspek na P300,000 lang ang maibibigay niya, dinala nina Villaver at Concepcion ang mga biktima sa Valenzuela City at binaril sila, pero nakaligtas si Barquilla.

Positibong kinilala ni Barquilla ang mga suspek sa paglilitis.

Bukod sa habambuhay na pagkakakulong, inatasan rin sila ng korte na magbigay ng P774,000 sa mga naiwang pamilya nina Wong at Burca bilang danyos.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.