Taos pusong nagpasalamat si dating First Lady Amelita “Ming” Ramos sa mga nakiramay sa pagpanaw ng kanyang asawang si dating Pangulong Fidel Valdez Ramos.
Inihatid sa huling hantungan si Ramos sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig.
Ayon kay dating First Lady Ramos, hindi biro ang naging buhay ng dating Pangulo.
Bago nahalal na Pangulo ng bansa, nagsilbi si Ramos sa military.
“Maraming salamat sa inyong lahat, sa tulong niyo. Alam niyo mahirap ang buhay sa military. pero kinaya namin. Tumulong si President Ramos, kayang-kaya niya at he was able to raise five daughters, 8 grandsons and 5 granddaughters. Mahirap mag adjust. Dalawang taon nasa bahay siya, dalawang taon nasa probinsya, tapos nag-volunteer pa siya dalawang taon sa Vietnam. Kaya maraming salamat sa tulong niyo at sabi niya, kaya natin ito. Maraming salamat. Kaya ba natin? Maraming salamat sa inyong lahat,” pahayag ng dating First Lady.
Dumalo sa libing si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.