2 patay sa pamamaril sa UCLA

By Kathleen Betina Aenlle June 02, 2016 - 04:23 AM

Mula sa www.nbclosangeles.com

Hindi bababa sa dalawang tao ang naitalang patay sa pamamaril sa University of California Los Angeles campus (UCLA), dakong alas-10:00 ng umaga, oras doon.

Dahil dito, ni-lockdown na ang buong campus, habang nagsasagawa ng paghalughog sacampus ang mga otoridad.

Pinayuhan ang lahat ng mga estudyante na manatili sa kanilang kinaroroonan at isara lahat ng mga pinto.

Naganap ang shooting incident sa Boekter Hall na bahagi ng kanilang school of engineering.

Makalipas ang ilang oras, sinabi ng mga otoridad na malaki ang indikasyon na kaso ng murder-suicide ang pamamaril kaya’t tinapos na ang paghahanap sa shooter sa loob ng campus.

Isang baril din na hindi pa tinukoy ang kalibre ang natagpuan sa loob ng engineering building.

Ito na ang huling linggo ng mga klase ng nasa 40,000 na estudyante ng UCLA.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.