P2 bilyong pondo na pang-ayuda sa mga mahihirap, inilabas na ng DBM
Nagpalabas na ng P2 bilyonng pondo ang Department of Budget and Management (DBM) para sa Special Allotment Release Order (SARO) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, gagamitin ang naturang pondo para ipang-ayuda sa mga pamilyang naapektuhan ng krisis sa bansa.
“Ang pondo ng taumbayan, dapat pong mapakinabangan rin ng taumbayan lalo na sa oras ng peligro. The release of this fund is a big help to our kababayans who are caught in difficult situation,” pahayag ni Pangandaman.
“Maganda ang timing ng karagdagang pondong ito. Gusto nating tulungan ang DSWD para makapagbigay ng tulong at proteksyon sa mga pamilyang nangangailangan,” dagdag ng kalihim.
Nabatid na ang DSWD’s Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) forms ay bahagi ng Protective Services for Individuals and Families in Difficult Circumstances (PSIFDC) program.
Ang AICS ay isang integrated services, kung saan kasama na rito ang pagbibigay ng financial assistance for transportation, medical, burial, food at iba pang support services.
Base sa talaan noong June 30, 2022, aabot na sa 1.5 milyong kliyente ang nabigyan ng ayuda sa pamammagitan ng AICS program.
Lagpas pa ito sa annual target na 1.4 milyon. Nasa 642,348 kilyente pa ang target na mabigyan ng ayuda ngayong 2022.
“Patunay ito na binibigyan prayoridad ng pamahalaan ang pagtulong sa mga vulnerable at disadvantaged sectors. Hindi lip service and sinabi ng Pangulo na walang Pilipino ang maiiwan,” pahayag ni Pangandaman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.