Kinumpirma ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa pagsisimula ng sesyon ngayon hapon na positibo sa COVID-19 si Senator Imee Marcos.
Ibinahagi ni Zubiri na sumulat si Marcos para ipaabot na taglay niya ang nakakamatay na sakit.
Gayunpaman, ‘virtually present’ sa sesyon ang senadora bagamat hindi ito makapag-video dahil sa nakakaranas siya ng mataas na lagnat.
Nagawa pa ni Marcos na makapagsalita at aniya, hirap siya na live video streaming ng sesyon.
Sa ngayon, dalawang senador na ang nagpositibo sa COVID-19 at ang una ay si Sen. Alan Peter Cayetano.
Samantala, nakadalo na sa sesyon si Sen. Francis Escudero na sumailalim sa isolation noong nakaraang linggo matapos ibahagi na na-expose siya sa isang COVID-19 carrier.
Narito ang anunsiyo ni Zubiri:
WATCH: Sa pagsisimula ng sesyon, kinumpirma ni Senate President @migzzubiri na positibo sa COVID-19 si @SenImeeMarcos | @escosio_jan
🎥: Senate PRIB pic.twitter.com/XAYPnurmCO
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) August 8, 2022
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.