Pilipinas, nakapagtala ng 27,331 na bagong COVID-19 cases sa nakaraang linggo
Nakapagtala ng 27,331 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa nakalipas na isang linggo.
Sa COVID-19 case bulletin ng Department of Health (DOH) hanggang Agosto 8, 2022, base ito sa naitalang datos simula Agosto 1 hanggang 7, 2022.
Mas mataas ito ng 13 porsyento kumpara sa mga napaulat na kaso ng nakahahawang sakit noong Hulyo 25 hanggang 31.
Nasa 3,904 naman ang daily average cases.
Samantala, may 76 na bagong severe and critical cases habang 80 naman ang pumanaw sa nakalipas na linggo.
Lumabas din sa datos na nasa 30.9 porsyento ang non-ICU bed utilization, kung saan 6,648 sa 21,548 non-ICU beds ang gamit.
24.8 porsyento naman ang ICU bed utilization, kung saan 624 sa 2,514 ICU beds ang gamit.
Nasa 772 naman ang severe and critical admissions, o 9.3 porsyento ng kabuuang COVID-19 admissions.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.