Higit P2 rollback sa mga produktong petrolyo, ipatutupad bukas

By Angellic Jordan August 08, 2022 - 04:01 PM
Radyo Inquirer On-Line photo

Magkakaroon ng panibagong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa araw ng Martes, Agosto 9.

Batay sa anunsiyo ng Caltex, Cleanfuel, Jetti, PetroGazz, Phoenix Petroleum, PTT Philippines, Seaoil, Shell, at Unioil, may bawas na P2.20 sa kada litro ng diesel habang P2.10 naman ang kaltas sa bawat litro ng gasolina.

Mababawasan naman ng P2.55 sa kada litro ng kerosene ng Caltex, Seaoil, at Shell.

Mauunang ipatupad ang oil price adjustment sa Caltex bandang 12:01, Martes ng madaling-araw (Agosto 9).

Magiging epektibo naman ang paggalaw ng presyo sa ibang oil companies bandang 6:00, Martes ng umaga, habang 8:01 ng umaga sa Cleanfuel.

Asahang mag-aanunsiyo rin ng oil price adjustment ang iba pang oil company.

TAGS: BUsiness, InquirerNews, oil, RadyoInquirerNews, rollback, BUsiness, InquirerNews, oil, RadyoInquirerNews, rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

[forminator_form id="331315"]