Mayor Belmonte, nanawagan sa publiko na magpasuri kung positibo sa COVID-19 o dengue

By Chona Yu August 08, 2022 - 03:16 PM

Photo credit: Quezon City government

Nanawagan si Quezon City Joy Belmonte sa publiko na magpasuri kung positibo sa COVID-19 o sakit na dengue.

Ginawa ni Belmonte ang pahayag sa gitna ng ulat na muling tumataas ang kaso ng COVID-19 at dengue sa bansa.

“We are seeing a rise in cases in our city, not just of COVID but also of dengue so we are encouraging our residents to get tested so they can seek consultation and start treatment early,” pahayag ni Belmonte.

Sinabi naman ni City Health Department Officer-in-Charge Dr. Esperanza Arias na kinakailangan nang magtungo sa pinakamalapit na health center kung nararanas ng lagnat ng dalawa hanggang limang araw.

Paliwanag ni Arias, magkapareho kasi ang sintomas ng dengue at COVID-19.

Ilan sa mga sintomas ng dengue ang lagnat, pananakit ng ulo, panghihina ng katawan, pananakit ng laman, mata at kassu-kasuan, pagsusuka, pagtatae, walang ganang kumain at skin rashes.

Base sa talaan ng City Epidemiology and Surveillance Unit mula noong Enero hanggang Hulyo 28, nasa 1,280 ng kaso ng denge ang naitala sa lungsod. Mas mataas ito ng 129.80 porsyento sa parehong buwan noong nakaraang taon kung saan pito ang naiulat na nasawi.

“Prevention is better than cure. We cannot address this alone and we highly encourage our residents to take part in helping the community, in their own way, to prevent the rising cases of dengue. Let us help our community so you can also protect your own family,” pahayag ni Belmonte.

TAGS: COVID, Dengue, InquirerNews, joy belmonte, RadyoInquirerNews, COVID, Dengue, InquirerNews, joy belmonte, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.