Isang black propaganda lamang ang ulat na nagbitiw na sa puwesto si Executive Secretary Vic Rodriguez.
Ito ay matapos personal na pabulaanan ni Rodriguez ang ulat na kumalas na siya sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Ayon kay Rodriguez, mananatili siyang tapat sa Pangulo.
Hindi aniya siya kakalas sa administrasyon maliban na lamang kung hihilingin mismo ng Pangulo.
Iginiit pa ni Rodriguez na fake news ang naturang balita.
Nabatid na isang “Noelle Prudente” ang naging tulay ng ilang negosyante kay Pangulong Marcos noong nakaraang eleksyon ang syang nasa likod ng paninira kay Rodriguez.
Sinasabing si Prudente ang nagsisilbing “power broker” sa Malacañang.
Ilan umano sa mga idinidiga ni Prudente ang mga posisyon sa Bureau of Customs (BOC), Bureau of Internal Revenue (BIR) at Land Transportation Office (LTO).
Matatandaan noong 2018, sinibak sa pwesto sa Bureau of Customs (BOC) ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang isang “Noel Prudente”, hindi naman batid kung iisang tao lamang ito o magkapangalan lamang.