Contigency plan para sa OFWs sa Taiwan, hiniling ni Sen. Raffy Tulfo
Ipinaaasikaso na ni Senator Raffy Tulfo sa gobyerno ang ‘contigency plan’ para sa overseas Filipino workers (OFWs) sa Taiwan.
Kasunod ito ng nagpapatuloy na tensyon sa pagitan ng Taiwan at China bunga ng pagbisita ni US House Speaker Nancy Pelosi kamakailan.
Gustong matiyak ni Tulfo na may maayos na paghahanda sakaling lumala pa ang tensyon at hindi maipit ang libu-libong Filipino sa Taiwan.
Hiniling ni Tulfo sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Philippine Overseas Labor & Office (POLO) at Department of Foreign Affairs (DFA) na maglatag ng plano upang matiyak ang kaligtasan ng mga Pinoy sa Taiwan at sa ibang kalapit na bansa sakaling lumala ang sitwasyon.
Diin niya, ang isang dapat pinaghahandaan ay ang paglilikas ng mga Filipino sa Taiwan pabalik ng Pilipinas.
Bukod pa dito, ang pagbibigay ng tulong sa mga mawawalang trabaho na OFWs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.