Duterte, pabor sa dagdag na SSS pension

By Jay Dones June 02, 2016 - 12:13 AM

 

Mula sa inquirer.net

Suportado ni President-elect Rodrigo Duterte ang panukalang muling buhayin ang dagdag sa pensyon ng mga senior citizens mula sa Social Security System (SSS).

Sinabi ni Duterte na sadyang hindi sasapat ang tinatanggap na buwanang pensyon ng mga may edad na miyembro ng SSS na umaabot lamang sa P2,000.

Sa mga medikal na pangangailangan pa lamang aniya ay kapos na ito.

Matatandaang hindi inaprubahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang panukalang dagdag na P2,000 increase sa pensyon ng mga retiree.

Idinahilan ng Malacañang na kakapusin ang pondo ng ahensya kung ipipilit ito.

Sa panig naman ng Kongreso, sisikapin ng mga mambabatas na i-override ang ‘veto’ ni Pangulong Aquino sa panukalang batas bago matapos ang 16th Congress.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.