COVID-19 positivity rate sa Metro Manila, muling tumaas – OCTA
Muling tumaas ang positivity rate ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR), ayon sa independent monitoring group na OCTA Research.
Base sa tweet ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, mula sa 15.5 porsyento, nasa 17.5 porsyento na ang positivity rate ng nakahahawang sakit sa Metro Manila.
May ilang lalawigan naman ang nakapagtala ng mataas na positivity rate. Kabilang ang Albay (28.2 porsyento), Benguet (22 porsyento), Cagayan (30.5 porsyento), Camarines Sur (48.7 porsyento), Cavite (21.2 porsyento), Isabela (47.6 porsyento), La Union (29.4 porsyento), Laguna (33.2 porsyento), Nueva Ecija (38.4 porsyento), Pampanga (35 porsyento), Pangasinan (25 porsyento), Quezon (25.1 porsyento), Rizal (18.8 porsyento), Tarlac (41.9 porsyento), at Zambales (28.6 porsyento).
Mababa naman sa 20 porsyento ang positivity rate ng nakakahawang sakit sa Bataan (13.2 porsyento), Batangas (15.2 porsyento), at Bulacan (14.7 porsyento).
Samantala, sinabi ni David na nasa 9.9 porsyento ang COVID-19 positivity rate sa Ilocos Norte.
Kasunod nito, patuloy ang paalala sa publiko na sumunod sa health protocols at magpabakuna kontra sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.