Abra niyanig ng 3.9 magnitude na lindol

By Chona Yu August 06, 2022 - 04:00 PM
(File photo)

Niyanig ng 3.9 magnitude ang Abra kaninang 2:36 ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 30 kilometro.

Naramdaman ang Intensity IV sa Bangued, Abra.

Niyanig din ng magnitude 3.2 na lindol ang Abra kaninang 11:31 ng umaga.

Naramdaman naman ang Intensity III sa Bangued.

Una nang tinamaan ng magnitude 7.0 ang Abra kamakailan kung saan ilan katao ang naiulat na nasawi at maraming ari-arian ang nasira.

 

TAGS: Abra, Bangued, lindol, news, phivolcs, Radyo Inquirer, Abra, Bangued, lindol, news, phivolcs, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

[forminator_form id="331315"]