Ugnayan ng Pilipinas at India lalo pang lalakas

Umaasa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na lalo pang lalakas ang ugnayan ng Pilipinas at India.

Pahayag ito ni Marcos matapos ang pakikipag-usap sa telepono kay Indian Prime Minister Narendra Modi.

“Nagagalak naman tayo na makausap sa telepono ang punong ministro na si Narendra Modi. Tiyak natin na mas iigting ang ating magandang relasyon sa bansang India,” pahayag ni Marcos sa kanyang Instagram.

Nagsagawa ng Cabinet meeting kahapon si Pangulong Marcos kung saan tinalakay kung paano matutulungan ang mga agrarian reform beneficiaries.

Isa sa mga balak ng Pangulo ang pagbibigay ng condonation of payments ng amortization fees at interests sa mga agrarian reform beneficiaries loans pati na ang pagbibigay ng tulong legal sa mga land kaso na may kaugnayan sa away sa lupa.

Balak din ng Pangulo na bigyan ng modern farm equipment at credit assistance ang mga magsasaka.

Una rito, sinabi ng Pangulo na prayoridad niyang tulungan ang mga magsasaka.

Target kasi ng Pangulo na magkaroon ng food security ang bansa at hindi umasa sa mga importasyon.

 

 

Read more...