2 anyos na si Kairie, humihiling ng tulong sanhi ng Kawasaki disease

By Mariel Cruz June 01, 2016 - 10:02 PM

 

Mula sa FB/Matthew Villarin

Humihingi ng tulong pinansyal sa publiko ang mga magulang at kamag-anak ng batang si Kairie Shane Villarin na na-diagnose na may Kawasaki Disease.

Ang Kawasaki disease na isang hindi pangkaraniwang sakit, ay tumatama lamang sa mga batang may edad dalawa hanggang limang taon.

Sa Facebook post ni Matthew Villarin, ang ama ni Kairie, nangangailangan sila ng halagang P80,000 para sa gamot na kinakailangan i-turok sa kanyang anak upang maiwasan ang pagkalat ng sakit sa puso ng bata.

Binigyan aniya sila ng doktor ng limang araw para makalikom ng nasabing halaga.

Kasalukuyang naka-confine si Kairie sa Children’s Hospital sa Pasig City.

Sa mga nais magbigay ng tulong, maaaring makipag-ugnayan kay Catherine Villarin o Matthew Villarin, sa numerong 0936-9724223.

Maaari rin na idirektang ihulog ang inyong tulong pinansyal sa BDO Savings account No. 001340221177 na nakapangalan kay Tara Jun Dela Cruz.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.