Tensyon sa pagitan ng China, Amerika hindi natalakay sa Cabinet meeting

By Chona Yu August 05, 2022 - 04:25 PM

PCOO photo

Hindi tinalakay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Cabinet meeting ang tumitinding tensyon sa pagitan ng Amerika at China.

Isinagawa ang meeting nitong araw ng Biyernes, Agosto 5.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, maingat ang pamahalaan sa pagbibigay ng mga komento kaugnay sa international relations.

Sa ngayon, mino-monitor aniya ni Pangulong Marcos ang sitwasyon sa Taiwan para sa lagay ng mga Filipino na maaring maipit sa girian ng Amerika at China.

Saka lang aniya magre-react ang pamahalaan matapos ang masusing pag-aaral at depende pa sa impormasyon na makukuha.

Sinabi pa ni Angeles na hindi maaring basta na lamang na magkomento ang Pangulo at dapat na mag-ingat.

TAGS: China, Ferdinand Marcos Jr., InquirerNews, RadyoInquirerNews, trixie angeles, usa, China, Ferdinand Marcos Jr., InquirerNews, RadyoInquirerNews, trixie angeles, usa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.