P4.1-B pondo para sa second batch ng Targeted Cash Transfer program, naipamahagi na

By Chona Yu August 05, 2022 - 04:18 PM

Agad na ipamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang P4.1 bilyong pondo para sa second batch ng Targeted Cash Transfer (TCT) program.

Ginawa ng DSWD ang pahayag matapos aprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagre-release ng naturang pondo.

Sinabi pa ng DSWD na welcome development at malaking tulong sa mga benepisyaryo ng TCT, lalo’t sumasabay ang pagtaas ng mga presyo ng mga pangunahing bilihin at dahil na rin sa inflation.

Aabot sa apat na milyong pamilya ang makikinabang sa TCT Program.

Matatandaang unang ipinatupad ng DSWD ang TCT noong Hunyo kung saan aabot sa anim na milyon ang naging benepisyaryo.

Nagpapasalamat naman ang DSWD sa DBM sa pagbibigay ng pondo.

Samantala, naghahanda na rin ang DSWD sa identification at validation ng dagdag na 2.4 milyong TCT.

TAGS: dswd, InquirerNews, RadyoInquirerNews, Targeted Cash Transfer, dswd, InquirerNews, RadyoInquirerNews, Targeted Cash Transfer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.