Ilan pang bagong opisyal ng DOTr, itinalaga ni Pangulong Marcos

By Chona Yu August 05, 2022 - 01:55 PM
Photo credit: Pres. Bongbong Marcos/Facebook

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ilan pang bagong opisyal ng Department of Transportation (DOTr).

Nanumpa kay Transportation Secretary Jaime Bautista sina Jeremy Regino bilang acting General Manager ng Philippine National Railways at Henry Uri bilang acting member ng Board of Directors ng PNR.

Si Regino ay dati nang nagsilbi bilang Administrator ng Light Rail Transport Authority (LRTA) noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Uri naman ay isang batikang brodkaster ng himpilang DZRH.

Nagsilbi rin si Uri bilang Board of Directors ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA).

Samantala, nanumpa na rin sa dating LRTA spokesman at Corporate Board Secretary Atty. Hernando Cabrera bilang bagong administrator.

TAGS: BBMadmin, bongbong marcos, dotr, InquirerNews, jaime bautista, Jeremy Regino, PNR, RadyoInquirerNews, BBMadmin, bongbong marcos, dotr, InquirerNews, jaime bautista, Jeremy Regino, PNR, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

[forminator_form id="331315"]