Nag-host si First Lady Louise Araneta-Marcos ng isang luncheon para sa mga Resident Lady Ambassadors na nakatalaga sa Pilipinas.
Isinagawa ang luncheon sa Rizal Hall sa Palasyo ng Malakanyang.
Kabilang sa mga dumalo sina Ambassador MaryKay Loss Carlson (United States of America), Ambassador Bartinah Ntombizodwa Radebe-Netshitenzhe (South Africa), Ambassador Betty Palaso (Papua New Guinea), Ambassador Bita Rasoulian (Austria), Ambassador Shobini Kaushala Gunasekera (Sri Lanka), Ambassador Folakemi Ibidunni Akinleye (Nigeria), Ambassador Annika Gunilla Thunborg (Sweden), Ambassador Grete Sillasen (Denmark), Ambassador Anke Reiffenstuel (Germany), Ambassador Michèle Jeannine Andrèe Boccoz (France), Charge D’ Affaires Monica Theodora Geertruida van Daalen (Netherlands), at Charge D’ Affaires Lhuana Pamella Lopez Amorim (Panama).
Ibinida naman ng Simeona Chanyungco Lahing Kayumanggi Mananayaw ng Marikina Inc. ang mayamang kultura ng mga Filipino sa pamamagitan ng sayaw o dance performance.
Bago ang luncheon, binigyan muna ng tour sa loob ng Palasyo ng Malakanyang nina First Lady Marcos at Social Secretary Bianca Cristina Zobel ang Lady Ambassadors.