Aftershocks, patuloy na naitatala matapos ang M7.0 Luzon quake
Mayroon pa ring aftershocks na naitatala sa iba’t ibang lalawigan matapos ang magnitude 7 na lindol sa Northern Luzon noong Hulyo 27.
Sa update ng Phivolcs bandang 10:20, Biyernes ng umaga (Agosto 5), umabot na sa 2,655 ang bilang ng aftershocks hanggang 9:00 ng umaga.
Nasa intensity 7 ang pinakamataas na naitalang intensity sa Tayum, Bangued, Bucay, Bucloc, Danglas, Dolores, La Paz, Lagangilang, Licuan-Baay, Luba, Malibcong, Manabo, Peñrrubia, Pilar, Sallapadan, at San Juan, Abra.
Patuloy ang paalala ng Phivolcs sa publiko na manatiling alerto dahil maari pa ring makaranas ng aftershocks sa mga susunod na araw o linggo.
Matatandaang yumanig ang magnitude 7 na lindol sa Tayum, Abra dakong 8:43, Miyerkules ng umaga (Hulyo 27).
Dahil sa lakas nito, naramdaman ang pagyanig sa mga karatig-lalawigan, kabilang ang Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.