WATCH: Rehearsal ng honor guards para sa state funeral ni dating Pangulong Fidel V. Ramos

By Chona Yu August 05, 2022 - 11:42 AM
Kuha ni Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line

Nagsagawa ng rehearsal ang honor guards para sa state funeral ni dating Pangulong Fidel Ramos sa Heritage Park, Taguig City.

Ayon kay Colonel Xerxes Trinidad, tagapagsalita ng Philippine Army, nasa 1,200 na sundalo at pulis ang mangangasiwa sa state funeral. Itatalaga ang mga ito sa Heritage Park at sa Libingan ng mga Bayani.

Ihahatid sa huling hantungan si Ramos sa Martes, Agosto 9 sa Libingan ng mga Bayani bandang 10:00 ng umaga.

Bibigyan si Ramos ng full military honors.

Samantala, tuloy naman ang pagdalaw ng ilang personalidad sa burol ni Ramos.

Kabilang na sina Senador Risa Hontiveros at Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.

TAGS: FVR cause of death, FVR dead, FVR died, InquirerNews, RadyoInquirerNews, state funeral, FVR cause of death, FVR dead, FVR died, InquirerNews, RadyoInquirerNews, state funeral

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

[forminator_form id="331315"]