Piyansa para may Marcelino di dapat ayon sa PNP

By Ruel Perez June 01, 2016 - 08:19 PM

Marcelino1Dismayado ang PNP AIDG o PNP Anti-illegal Drugs Group sa inilabas na desisyon ng korte na nagbibigay pahintulot kay Lt. Col. Ferdinand Marcelino na makapagpiyansa sa illegal drugs case na kinakaharap nito

Ayon kay S/Supt Leonardo Suan Chief of Staff ng AIDG, nais nilang makita ang kopya ng desisyon para malaman kung saan sila nagkulang dahilan para mapagbigyan ang bail petition si Marcelino.

Ipinagtataka ni Suan kung bakit si Marcelino lang ang pinyagang mangpyansa habang ang Chinese national na si Yan Yi Shou alyas Randy ay mananatili sa kulungan.

Giit ni Suan, sabay naman nilang naaresto ang dalawa sa iisang lugar at pareho lang din ang kanilang mga inihaing ebidensya laban sa mga ito kaya nalalabuan sila sa desisyon ng korte.

Magugunitang hinuli ng mga tauhan ng AIDG at Philippine drug Enforcement Agency si Marcelino kamakailan habang nasa loob ng isang pinaniniwalaang drug den sa Maynila.

TAGS: AIDG, Marcelino, PNP, AIDG, Marcelino, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.