Inflation sa Pilipinas, bumilis sa 6.4 porsyento noong Hulyo

Bumilis sa 6.4 porsyento ang inflation sa Pilipinas noong buwan ng Hulyo, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Mas mabilis ito kumpara sa naitalang inflation na 6.1 porsyento noong Hunyo, at 3.7 porsyento noong Hulyo 2021.

Ayon kay PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, bunsod ito ng mas mabilis na pagtaas ng presyo ng food at non-alcoholic beverages.

“Ito ay may 6.9% inflation at 64% share sa pagtaas ng pangkalahatang inflation sa bansa,” saad nito.

Ito na ang ikalimang sunod na buwan na nakapagtala ng pagbilis sa inflation sa bansa.

Read more...