WATCH: Dating Pangulong Duterte, hindi haharap sa imbestigasyon ng ICC
Magbasa hanggang sa mamatay sa kulungan.
Pahayag ito ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa hirit ng International Criminal Court (ICC) na ituloy ang imbestigasyon sa kasong crimes against humanity na isinampa sa kanya ng mga biktima ng anti-drug war campaign.
Ayon sa dating Punong Ehekutibo, walang hurisdiksyon sa Pilipinas ang ICC.
“I am a Filipino. If I will be prosecuted, it will be a prosecutor who is a Filipino. If I am to be judged, it will be a Filipino judge. And if I go to prison, I should go to Muntinlupa. Nobody but nobody else can… sa akin. It has to be within our jurisdiction,” saad nito.
Dagdag ni Duterte, “Wala na. matanda na ako. No qualms about going to prison. I am 77… 80. Ano makuha nila sa akin? I can read to death there inside. So many books to read during the six year that I was attending to the affairs of the nation. Marami ako hindi nagawa. Gagawin ko na. Wala akong problema sa ICC personally.”
Ang buong pahayag ng dating Pangulo:
Nanindihan pa ang dating Pangulo na hindi kasi nalathala sa Official Gazette ang pagkakamali noon ng Pililinas sa ICC kung kaya hindi legal ang pagiging miyembro nito.
“Ako ay Filipino at wala silang jurisdiction. They never acquired jurisdiction because ‘yung Rome agreement was never published in the Official Gazette, especially the laws…the constitution requires…especially with penal law….the part of the land. You must publish it. Ang ginawa nila, pinirmahan ni Erap. Dinala doon sa Congress tapos dineretso nila. appended in the Rome agreement without returning it to me because I have to order the Bureau of Printing to publish it in the Official Gazette. That was never complied so wala silang jurisdiction,” sabi nito.
Sa ngayon, ayaw na munang magkomento ni dating Pangulong Duterte sa pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na wala nang intensyon ang Pilipinas na sumaling muli sa ICC.
“I would rather not comment on it. I am a civilian. I cannot say anything about it. tahimik na muna ako,” saad ni Duterte.
Narito ang pahayag ng dating Pangulo:
Nobyembre 2021 nang hiniling ng Pilipinas sa ICC na itigil na ang imbestigasyon.
Katwiran kasi ni Duterte, gumagawa ang sistema ng hudikatura sa bansa.
Inimbestigahan din aniya ng mga korte ang mga kaso ng pagpatay na may kaugnayan sa operasyon ng ilegal na droga.
Pinagbigyan naman ito ng ICC noon pero noong Hunyo 24, 2022 o anim na araw bago matapos ang termino at bago bumaba sa puwesto si dating Pangulong Duterte, humirit si ICC Prosecutor Karim Khan na ituloy ang imbestigasyon.
Dahil dito, agad na hiniling ng ICC pre-trial sa pamahalaan ng Pilipinas na magsumite ng karagdagang obserbasyon hanggang sa Setyembre 8 para sa plano ng pagbubukas muli ng imbestigasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.