LPA sa Silangang bahagi ng Albay, malabo pang maging bagyo

DOST-PAGASA satellite image

May binabantayang low pressure area (LPA) ang PAGASA sa loob ng teritoryo ng bansa.

Ayon kay PAGASA Weather Specialist Raymond Ordinario, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 170 kilometers Silangan ng Legazpi City, Albay.

Maliit pa aniya ang tsansa na maging bagyo ang LPA.

Maari aniyang magdulot ang LPA ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog sa Bicol region, MIMAROPA, buong Visayas, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, at Quezon.

Sa bahagi naman ng Metro Manila at iba nalalabi pang parte ng bansa, magiging maaliwalas ang panahon maliban sa mga posibleng maranasang localized thunderstorms.

Sa ngayon, walang nakataas na gale warning sa bansa kung kaya’t malayang makakapalaot ang mga mangingisda.

Read more...