Apela ni Abalos sa mga mayor, governor palakasin ang BADAC

By Angellic Jordan August 04, 2022 - 02:36 PM

Screengrab from Pres. Bongbong Marcos’ FB livestream

Umapela si Interior and Local Government Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. sa mga gobernador at alkalde na tumulong sa pagpapalakas ng Barangay Anti-Drug Abuse Councils (BADACs) sa kanilang nasasakupan.

Binigyang-diin ng kalihim na ipagpapatuloy ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang kampanya laban sa ilegal na droga.

“Humihingi po ako ng tulong about illegal drugs. We will intensify the war on drugs, and we will start at the grassroots. So please, I am requesting you to harness the capability and strengthen your BADACs,” ani Abalos.

Kritikal aniya ang papel ng BADAC sa whole-of-government approach upang makontra ang pagkalat ng mga ilegal na droga sa komunidad.

“Nanawagan tayo sa mga gobernador at mayors na siguruhin na ang ating mga BADAC ay maayos na gumagana at nakakatulong sa pagprotekta sa mga komunidad laban sa iligal na droga at mga tagapagpalaganap nito,” saad nito.

Kabilang sa mga responsibilidad ng BADAC ang pagtukoy ng drug-affected areas; pagbuo ng BADAC Plan of Action; paghahanda sa mga barangay tanod at BADAC Auxiliary Team sa kanilang tungkulin; pag-asiste sa mga taong gumagamit ng ilegal na droga na sumuko sa Barangay Rehabilitation and Referral Desk; at pagtutok sa mga indibiduwal na sumasailalim sa Community-Based Rehabilitation Treatment.

Tiniyak ni Abalos na bukas ang linya ng kagawaran sa lahat ng lokal na opisyal upang maging epektibong tulay sa pagitan ng national at local governments.

“Huwag kayong mahihiya sa akin. Do not treat me as a Secretary, it’s the other way around. Kayo ang boss ko,” pahayag nf kalihim.

Dagdag nito, “I’m here to serve you not for me to just give orders. I’m not that kind of person. That is how we shall espouse unity among us, that is how we shall espouse being proactive.”

TAGS: badac, Barangay Anti-Drug Abuse Councils, BenhurAbalos, DILG, InquirerNews, RadyoInquirerNews, War on drugs, badac, Barangay Anti-Drug Abuse Councils, BenhurAbalos, DILG, InquirerNews, RadyoInquirerNews, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.