DILG, hinimok ang LGUs na gumawa ng maagap na hakbang laban sa monkeypox

By Angellic Jordan August 04, 2022 - 01:23 PM

Reuters photo

Kasunod ng unang kumpirmadong kaso ng monkeypox sa bansa, hinikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan na gumawa ng mga maagap na hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng naturang sakit.

“While everyone is assured that our public health surveillance systems are able to detect and confirm monkeypox cases, all LGUs are nonetheless called to carry out measures in close coordination with the Department of Health (DOH) in stemming the spread of this new virus,” pahayag ni DILG Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr.

Maigi aniyang maging handa ang mga LGU kasabay ng mahigpit na pagbabantay ng mga awtoridad sa inbound at outbound travelers.

“The adage prevention is better than cure still applies today. As the primary front liners in your areas, it behooves upon our LGUs to initiate precautionary measures and spread awareness to your constituents about monkeypox and what they need to do about it,” saad nito.

Ipinag-utos na ni Abalos sa mga provincial governor at alkalde na siguraduhing handa ang kanilang Local Health Offices, Epidemiologic and Surveillance Units, at Barangay Health Emergency Response Teams sa pagpapatupad ng DOH guidelines at protocols sa surveillance, screening, management, at infection control ng monkeypox.

“Katulad ng ginawa natin sa laban kontra COVID-19, kailangang magsagawa na tayo ng mga preparasyon at ihanda na natin ang mga tauhan natin para siguraduhing hindi na dadami pa at lalala ang mga kaso ng monkeypox sa bansa,” paliwanag nito.

Dapat din aniyang tutukan ng LGUs ang mga biyahero mula sa ibang bansa na mayroong kaso ng monkeypox.

Umapela naman ang kalihim sa publiko na ipagpatuloy ang pagtalima sa minimum public health standards (MPHS), magsagawa ng disinfection measures, good hand at respiratory hygiene, at bawasan ang pagkakaroon ng contact sa mga taong maysakit.

“This is not the first time that we are faced with a huge health concern. We have been through the worst of times during the peak of the COVID-19 pandemic so we are now more resilient as a people and can rise above any other challenge, including monkeypox,” ani Abalos.

Ang monkeypox ay isang zoonotic disease dulot ng impeksyon ng monkeypox virus, na nabibilang sa Orthopoxvirus genus.

Base sa abiso ng Department of Health (DOH), karaniwang sintomas ng naturang sakit ay lagnat, matinding sakit ng ulo, pamamaga ng lymph nodes, backpain, muscle aches, kakulangan ng lakas, at skin eruptions.

TAGS: BenhurAbalos, DILG, InquirerNews, monkeypox, MonkeypoxPH, RadyoInquirerNews, BenhurAbalos, DILG, InquirerNews, monkeypox, MonkeypoxPH, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.