Iniulat ng Phivolcs na patuloy pa ring nakakapagtala ng aftershocks sa iba’t ibang lalawigan matapos ang magnitude 7 na lindol sa Northern Luzon noong Hulyo 27.
Sa update ng Phivolcs bandang 9:00, Huwebes ng umaga (Agosto 4), umabot na sa 2,492 ang bilang ng aftershocks hanggang 8:00 ng umaga.
Umabot ang pinakamataas na intensity sa intensity 7 sa Tayum, Bangued, Bucay, Bucloc, Danglas, Dolores, La Paz, Lagangilang, Licuan-Baay, Luba, Malibcong, Manabo, Peñrrubia, Pilar, Sallapadan, at San Juan, Abra.
Patuloy ang paalala ng Phivolcs sa publiko na manatiling alerto dahil maari pa ring makaranas ng aftershocks sa mga susunod na araw o linggo.
Matatandaang yumanig ang magnitude 7 na lindol sa Tayum, Abra dakong 8:43, Miyerkules ng umaga (Hulyo 27).
Dahil sa lakas nito, naramdaman ang pagyanig sa mga karatig-lalawigan, kabilang ang Metro Manila.