Malacañang pumalag sa pahayag ni Duterte sa media killings

By Alvin Barcelona June 01, 2016 - 05:13 PM

malacanang-fb-0723Kontra ang Malacañang sa pahayag ni President-elect Rodrigo Duterte na dapat lang mamatay ang mga tiwaling mamamahayag.

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, kinikilala nila ang papel na ginagampanan ng mga miyembro ng media bilang tagapagpalaganap ng impormasyon sa isang demokratikong bansa tulad ng Pilipinas.

Taliwas sa sinabi ni Duterte, naniniwala aniya ang Malacañang na ang mga mamamahayag bilang mamamayan ay may karapatan para sa due process at sa pantay na proteksyon ng batas.

Kaugnay aniya nito, ikinalulungkot nila ang mga pahayag na kaya napapatay ang ilang mamamahayag ay dahil sa pagkakasangkot nito sa korupsyon.

Iginiit ni Coloma na trabaho ng pamahalaan na arestuhin, sampahan ng kaso at parusahan ang sinumang responsable sa karahasan laban sa mga miyembro ng media.

TAGS: Coloma, duterte, Malakanyang, Media killings, Coloma, duterte, Malakanyang, Media killings

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.