IBO World Flyweight champion Dave Apolinario, nag-courtesy call kay Pangulong Marcos

By Angellic Jordan August 03, 2022 - 10:17 PM
Screengrab from RTV Malacañang’s Facebook video

Nag-courtesy call si International Boxing Organization (IBO) World Flyweight champion Dave ‘Dobermann’ Apolinario kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Isinagawa ang courtesy call sa President’s Hall sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Miyerkules, Agosto 3.

Binati ng Pangulo ang Filipino boxer para sa pagbibigay ng karangalan sa lahat ng Filipino sa buong mundo.

Nag-abot si Apolinario ng boxing gloves sa Punong Ehekutibo, at bilang kapalit, pinirmahan ni Marcos ang isa pang pares ng boxing gloves at nag-abot ng commemorative gold coin sa boksingero.

Si Apolinario ay mayroon nang record na 17 wins, 12 knockouts, at wala pang talo.

Naiuwi ni Apolinario ang IBO World Flyweight championship belt makaraang mapatumba ang dating world champion at South African boxer na si Gideon Buhelzi.

TAGS: BBM, BBMadmin, Boxing, Dave Apolinario, IBO, InquirerNews, PBBM, RadyoInquirerNews, BBM, BBMadmin, Boxing, Dave Apolinario, IBO, InquirerNews, PBBM, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.