Higit 3,000 na bagong kaso ng COVID-19, napaulat sa bansa
Bahagya muling tumaas ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa COVID-19 tracker ng Department of Health (DOH) hanggang Miyerkules, Agosto 3, may 3,047 na bagong kaso ng nakahahawang sakit sa bansa sa magdamag.
Dahil dito, umakyat sa 31,922 ang bilang ng mga pasyente na nagpapagaling pa sa COVID-19.
Sinabi ng DOH na nasa 3,785,869 ang kabuuang bilang ng naitalang COVID-19 cases sa bansa mula nang magkaroon ng pandemya sa nakahahawang sakit.
Sa nasabing bilang, 3,693,115 o 97.5 porsyento ang gumaling na habang 60,762 o 1.6 porsyento ang COVID-19 related deaths.
Patuloy na hinihinakayat ang publiko na makiisa sa ‘PinasLakas’ booster shot drive ng pamahalaan upang maging COVID-free ang bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.