Palasyo, itinangging nagsagawa si Pangulong Marcos ng vetoing spree
Pinabulaanan ng Palasyo ng Malakanyang na nagsasagawa ng vetoing spree si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ito ay kahit na sunud-sunod ang pag-veto ni Pangulong Marcos ng mga panukalang batas.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, limang panukalang batas lamang ang hindi inaprubahan ng Pangulo.
Ito ay ang pagtatatag ng Bulacan Airport City Special Ecozone, ang pagbibigay ng tax exemption sa election workers, Office of the Government Corporation Counsel Charter, Davao Light and Power Company Inc. franchise at Philippine Transportation Safety Board Act.
Katwiran pa ni Angeles, 41 na batas ang nag-lapse into law.
Kaya hindi aniya pwedeng sabihin na ‘veto spree’ ito.
Samantala, ilan lamang sa 41 na enrolled bills na nag-lapse into law ay ang anti-online sexual abuse or exploitation of children, separate facility for heinous crimes act, penalizing wilful and indiscriminate discharge of firearms, increasing the social pension of indigent senior citizens, permanent validity of the certificates of live birth, death and marriage act; vape act at iba pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.