Phivolcs, nakapagtala ng 2,422 aftershocks matapos ang Abra quake

BFP photo

Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula nang tumama ang magnitude 7 na lindol sa Northern Luzon, ngunit mayroon pa ring naitatalang aftershocks sa iba’t ibang lalawigan.

Sa update ng Phivolcs bandang 5:00, Miyerkules ng hapon (Agosto 3), umabot na sa 2,422 ang bilang ng aftershocks hanggang 4:00 ng hapon.

Umabot ang pinakamataas na intensity sa intensity 7 sa Tayum, Bangued, Bucay, Bucloc, Danglas, Dolores, La Paz, Lagangilang, Licuan-Baay, Luba, Malibcong, Manabo, Peñrrubia, Pilar, Sallapadan, at San Juan, Abra.

Patuloy ang paalala ng Phivolcs sa publiko na manatiling alerto dahil maari pa ring makaranas ng aftershocks sa mga susunod na araw o linggo.

Matatandaang yumanig ang magnitude 7 na lindol sa Tayum, Abra dakong 8:43, Miyerkules ng umaga (Hulyo 27).

Dahil sa lakas nito, naramdaman ang pagyanig sa mga karatig-lalawigan, kabilang ang Metro Manila.

Read more...