IBO flyweight champion Dave Apolinario, balik-Pilipinas na

By Jan Escosio August 03, 2022 - 07:52 PM
Contributed photo

Nakabalik na ang bagong International Boxing Organization (IBO) flyweight champion Dave “Doberman” Apolinario, araw ng Miyerkules (Agosto 3).

Nagmula sa Bangkok, Thailand si Apolinario at ipinagmalaki ang kanyang championship belt.

Tinalo ni Apolinario si South African boxer Gideon Buhelzi sa pamamagitan ng technical knockout.

Sa kanyang hero’s welcome sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, sinalubong siya ni dating Candaba, Pampanga Mayor Jerry Pelayo, kasama ang anak na si Michael, na tumatayong manager ng boksingero.

Sinabi na rin ni Apolinario na haharapin niya kahit sino ang humamon sa kanya at handa siyang depensahan ang bagong sungkit na titulo.

TAGS: Boxing, Dave Apolinario, IBO, InquirerNews, RadyoInquirerNews, Boxing, Dave Apolinario, IBO, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

[forminator_form id="331315"]